Make your own free website on Tripod.com
Calawagan Mountain Resort

Consideres cleanest inland body of water in the Philippines.
Calawagan Mountain Resort has a three (3) meter high falls and shadowed by
the remaining rain forest which is ideally suited for nature lover. It has a panoramic view of
rock formations, cascading waterfalls and crystal clear water, vibrant & timeless hues
of nature. It has cottage facilities and a natural swimming pool.


Mount Calavite Point
A nature lover and mountain climber should never miss
Mt. Calavite, a mountain reservation for the rare, TAMARAW (Babalus, Mindorensis).
Its peak provides the best panoramic view of Occidental Mondoro and other neighboring islands.


The serene tone of Paluan is landmark to many
Navigators and travellers due to its Calavite Point which brings forth light and different sea
and air current to the passing vessels and Air Plane. The Municipality also serves as
Tourism Landmark for its rare resort, Mountain Peak and Coves while its sea teems with tuna,
sailfish and sandfish which the Mindoreños proudly present to their valued guests.






NATULO SA GILID NG DAGAT


Daan : Dagat
Masasakyan : Bangkang de Motor
Layo mula sa Bayan ng Paluan : isa't kalahati-hanggang dalawang oras na biyahe
Buwan na Pwedeng Puntahan : Kahit anong buwan pero mas malakas ang tulo nito kapag June o October
Direksyon : Sa pagitan ng Barangay Ignonok at Kalangigan


Tunay na mahaba ang talaan ng maipagmamalaki ng Bayang Paluan na mga kaakit-akit na tanawin. Nariyan ang mga luntiang kabukiran, ang mahiwagang pagyayakapan ng alon, dagat at ilog, ang tinatawag nating Bisay na matatagpuan sa Barangay Marikit, ang Mainit sa Mabantit at ang ilang beses na nagawaran ng Timpalak na pinakamalinis na ilog sa buong Pilipinas na Calawagan River Resort.


Ngunit, alam nyo ba na sa dakong kalayunan ay may unti-unti na naming nagigising na isa sa mga nahihimbing na nilikha ng Panginoon?


Una, ang Talon na nagtataglay ng taas na humigit kumulang na 100 talampakan na nagmumula sa bundok na waring pinaglalaruan ng hangin kung saang parte ng tubig ito babagsak. Talagang mabibighani ka sa kagandahan nito, tahimik na kapaligiran, malinaw at bughaw na karagatan na nagtataglay ng hipon at ibat-ibang uri ng isda at naglalakihang bato na halos nangangamuti na sa hampas ng alon ng dagat na siya naming gingawang palaruan ng mga talangka. Malamig man ang tubig, masakit man ang bagsak nito mula sa bundok, eh enjoy naman at napakasarap na para bang minamasahe ang iyong likod.



At ang pangalawa, isang talon na may taas naming higit kumulang na 50 talampakan. Nagmumula ito sa bundok pero sa bato naman ang bagsak nito at buhangin naman ang nag-uugnay dito sa dagat. Sa harap nito ay may flat surface na parang stage na dapat pwestuhan na napanggigitnaan ng dalawang malalapad at malaking baton a tila ba sinadyang magkaroon ng baiting-baitang na nakaukit dito upang marating ang pinagbagsakan ng talon.

Sa paligid nito, sa kaliwang bahagi, makikita ang mga halamang gumagapang at punongkahoy at ang tumutulong malalamig na tubig na kagapatak ng tulo ng ulan (pwede itong inumin sa sobrang linis at linaw) sa mga nangagdidilawan at nagkukulay abo na baton a syang nagsisilbing haligi ng kabundukan. At sa ilalim ng bawat batong ito, mayroong sapat na lugar na pwedeng paglutuan (syempre gagawa ka), pagkainan (mas masarap kung maraming baon) at pagkwekwentuhan na may halong konting inuman.

Sa gawing kanang bahagi naman, makikita ang mga naglalakihang bato. Sa bawat paligid, mapakanan o mapakaliwa man ay makikita ang mga nagliliparang ibon at ibat-ibang kulay na mga paru-paro.

Anupa't isang paraiso na kaloob ng Poong Maykapal ang bagong lugar na ito na maituturing na naming pangalawang hardin ng Eden. Taglay nito ang pambihira at kabighaning kapaligran na waring umaakit sa mga tao. Kaya't sigurado na isa na naman ito sa mga dadayuhin ng bawat Palueno at turista.

Calawagan Resort is courtesy of: Ms. Karen G. Tria
Natulo sa Gilid ng Dagat is courtesy of: Ms. Janet Tria,PTRP




Advertisement

You can advertise your products, store, business

Jane's Special Pastilyas-( Pastilyas na gawa sa purong gatas ng kalabaw, special bubo is also available ) Brgy. 10, Paluan Occ. Mindoro, Ephine's Kakanin-( special bibingka,puto,peche-peche,lupakan,at iba pa ) Brgy 10,Paluan Occ. Mindoro, For your advertisements pls email us at pcya_org@yahoo.com

 

[ Copyright © July, 2005 PCYA]
[ Developed and designed by: R&L Webpage Developer ]